CHACHA MULING INIHAIN SA KAMARA

chacha33

(NI ABBY MENDOZA)

MULING inihain ngayong Miyerkoles sa House of Representatives ang panukalang nag-aamyenda sa ilang probisyon ng 1987 Constitution.

Sa House Concurrent Resolution 1 na inihain ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, sinabi nito na malaki ang pangangailangan para baguhin ang 31 taon nang Philippine Constitution para umakma sa kasalukuyang panahon.

Sa panukala ni Rodriguez, isinusulong nito ang Presidential Bicameral-Federal System of Government kung saan kinonsidera umano nito ang Consultative Commitee na pinamunuan nina Chief Justice Reynato Puno sa paghahain ng panukala.

Sa panukalang inihain ni Rodriguez ay bubuo ng 18 federated regions at pagbuo ng dalawang chambers na magco-convene bilang Constituent Assembly upang pangasiwaan ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

“The recent events show that it is imperative that reforms be introduced in the present Constitution for it to be responsive to the exifencies of the times, including the need to provide a longt-term solution to the decades-old conflict in Mindanao and to spur economic regional development in the countryside, and provide impetus to much needed socioeconomic and political reforms,”ayon kay Rodriguez.

Sa ilalim ng panukala ay aamyendahan ang Section 2, Section 3, Section 4, Section 7, Section 10, Section 11 ng Article XII o ang  National Patrimony and Economy kung saan mas luluwagan ang foreign ownership upang mas lalong makapanghikayat ng direct investment.

Ang komposisyon ng Senado ay babaguhin din, sa halip na 24 ay gagawin na itong 27 kung saan magkakaroon ng tig tatlong senador mula sa National Capital Region, Northern Luzon, Southern Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Mindanao at  Bangsamoro Autonomous Region.

Ang termino ng mga senador ay gagawing 4 na taon mula sa dating 6 na taon at makapagsisilbi ng hanggang 3 term mula sa dating 2 consecutive term.

Sa Kamara ay gagawing 4 na taon ang termino mula sa dating 3 taon at mayroong 3 consecutive term.

Sa local government, ang ga opisyal ay magsisilbi ng 4 na taon at mayroong 3 consecutive terms.

Ayon kay Rodriquez, magkakaroon ng separate voting ang Senado at Kamara kung saan kailangan ng botong 3/4 ng lahat ng miyembro sa pag amyenda ng Konstitusyon.

Una nang pumasa sa Kamara ang pag amyenda sa Saligang Batas subalit hindi umusad ang panukala sa Senado.

Sa kanyang State of the Nationa Address(SONA), sinabi ni PAngulong Rodrigo Duterte na mainam na maamyendahan na ang Konstitusyon habang ito ang siyang nakaupo sa puwesto.

 

125

Related posts

Leave a Comment