CHINA NAKAALERTO SA PH-US BALIKATAN EXERCISE

balikat12

(NI JG TUMBADO)

ARAW ng Lunes ang pormal na pagbubukas ng balikatan war exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa.

Kasabay nito, nakaalerto naman ang China sa Scarborough Shoa, isa sa piling pagdarausan ng PH-US Balikatan exercise.  Bago pa man ang joint military exercise, ay may mga presensya na umano ng ilang mga barkong pandigma ng China ang naka antabay na para magbantay sa paligid ng Scarborough shoal.

Bilang pang umpisa, ang opening ceremony ay gaganapin sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kung saan dadaluhan ito ng ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Armed Forces-Asia Pacific Fleet.

Sinabi ni Philippine Army Lt. Commander Liz Vidallon, Public Information Officer ng PH-US Balikatan 2019, mula April 1 hanggang April 12, 2019 tatagal ang military war exercises ng dalawang magka alyadong bansa.

Bago pa man itinakda ang seremonya, nagsagawa na ng humanitarian activities at civic assistance projects ang mga kalahok na US servicemen kung saan libu-libong mga residente ang nabiyayaan ng libreng serbisyo.

Isa umano sa mga inaabangang highlights ng naturang Balikatan ay ang live fire drill na gaganapin sa Capas, Tarlac sa April 10.

Magkakaroon din ng urban operations, aviation operations at counter-intelligence response na ang venue ay gagawin sa Palawan at ilang lugar sa Luzon.

Bukod sa live fire drill, isang senaryo ng live beach amphibious landing exercise ang ipapamalas sa dalampasigan ng Zambales partikular sa San Antonio kung saan ilang milya lamang ang layo nito mula sa teritoryo ng Pilipinas na ngayon ay sakop ng China, ang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc (Panatag) sa West Philippine Sea.

 

 

168

Related posts

Leave a Comment