CHINA WALANG HININGING KAPALIT SA GRANT SA PINAS — PALASYO

duterte12

(NI BETH JULIAN)

NANINIWALA Malacanang na walang hinihinging kondisyon ang China sa ipinangakong grant ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Katunayan, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na libreng  itinatayo ng China ang ilang  infrastructure projects sa bansa.

Ayon kay Panelo, wala sa karakter ng China ang humingi ng kapalit sa tulong na kanilang ibinibigay sa ibang bansa.

“Idon’t think so. Like for instance, ‘di ba nagpagawa sila, mayroon silang kinokonstrak na mga libre eh, wala naman silang hinihingi, nagbigay lang sila,” wika pa ni Panelo.

Matatandaang sinabi ni Xi na handang nilang ibigay ang isang milyong yuan na grant sa Pilipinas pero sinabi ni Panelo na hindi pa malinaw kung sa paanong paraan pa ito ipagkakaloob ng China at pwede rin itong idaan sa pagpapatayo ng mga rehabilitation center na una nang ipinangako ng China.

147

Related posts

Leave a Comment