ANO’NG ‘PASABOG’ MERON ANG INA NI JESSY?

jessyangel12

VIS A VIS copy.jpg(NI RONNIE CARRASCO III)

ANY  mother will take a bullet for her child, if not catch a grenade (sounds familiar?).

Sa himig ng pananalita ni Mrs. Didith Garvida, ina ni Jessy, walang dudang narating na nito ang tipping point laban sa bashers ng kanyang mga anak, believed to be sympathizers of Angel Locsin.

Hindi pa rin pala “laos” ang isyung inahas daw ni Jessy si Luis Manzano mula kay Angel. Teka, 2016 pa ‘yun, ha? Obviously, hindi pa nakaka-move on ang mga fans ni  Angel who want Luis for her.

Ganting-banat (at banta) tuloy ni Didith Garvida sa mga ito, ikawiwindang daw nila kapag nagsalita siya. And by that, she means spilling the beans.

May idea kami kung anumang pasabog meron ang palabang ina. At kung hindi kami nagkakamali, it has something to do with certain unknown facts tungkol kay Angel noong sila pa ni Luis.

We’re not saying na may bipolar disorder si Angel (hope none), pero matunog ang balita noon na nahihirapan si Luis na sakyan ang kanyang mood swings.

Kadalasan daw noon, Angel would burst into anger nang wala naman daw kadahi-dahilan. Pero isang mapagpasensiyang boyfriend si Luis taking everything in stride.

May mga eksena noon sina Luis at Angel na nagbabangayan sa hotel room, sa loob ng sasakyan or just in any place where Angel saw fit to release her unexplained kairitahan.

‘Di naglaon, napuno na rin daw si Luis. He woke up one day na desididong makipagkalas kay Angel.

Wala pa si Jessy sa eksena, kaya hindi totoong nang-ahas siya.

It’s been three years since then. Marapat lang that the Luis-Angel chapter be forgotten.

Kung tutuusin, ngayon lang umalma si Didith Garvida. Never was there a time na niresbakan niya ang mga fans (most of them) ni Angel who’ve been accusing her daughter of boyfriend-grabbing.

Kung bakit tahimik din lang si Luis sa tunay na dahilan ng breakup nila noon ni Angel is a matter of character. Maginoo at marespeto lang talaga si Luis sa mga kababaihan.

81

Related posts

Leave a Comment