CLARK INT’L AIRPORT EXPANSION 56% NANG TAPOS — DoF

clark12

(NI BETH JULIAN)

INAASAHAN ang mas maagang pagtatapos ng konstruksyon ng Clark International Airport expansion project na nasa ilalim ng Buil Build Build Program ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez, inasaahan at target na matatapos ito bago mangalahati ang susunod na taon.

Ayon kay Dominguez, sa loob ng dalawang taong planning stage para sa Clark International Airport Expansion project, ay sa panahon lamang ng administrasyon Duterte ito natuloy.

Sa ngayon ay nasa 56 porsyento nang tapos ang proyekto na ayon sa DoF, ang pagpapalaki ng nasabing paliparan ay ang nakikitang solusyon para mabawasan ang dami at pagsisisksikan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

117

Related posts

Leave a Comment