CLEARANCE SA RICE IMPORTATION PINAHIHIGPITAN

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

MATAPOS pangunahan ang pagpapasa ng panukala para sa liberalization ng pag-aangkat ng bigas, pinahihigpitan ngayon ni Senador Cynthia Villar sa Department of Agriculture ang rice importation.

Ito ay kasunod ng report ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Services na umabot na sa 3 million metric tons ng bigas ang inangkat ng Pilipinas simula nang aprubahan ang Rice Tariffication Law.

Lumitaw sa ulat na ang Pilipinas ang itinuturing na world biggest rice importer at naungusan na ang China.

Sinabi ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture, na may ugnayan na sila ng DA para higpitan ang pagpapalabas ng phytosanitary clearance upang matiyak na mga karapat-dapat na importers lang ang makakapag-import.

Dapat din anyang may masusing monitoring ang DA dahil dapat umabot lang sa 1.2 million metric tons ang aangkating bigas para hindi masyadong maapektuhan ang local farmers.

“Kausap ko na ang DA at pinahihigpitan natin ang pagpapalabas ng phytosanitary clearance para hindi marami ang makakapag-import,” saad ni Villar.

170

Related posts

Leave a Comment