(NI HARVEY PEREZ)
NASA 90% na umanong handa ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagdaraos ng 2019 national and local elections sa Mayo 13.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, dapat sana ay 95% nang handa ang Comelec kung hindi nagkaroon ng mga paglindol.
Nabatid na kumikilos ngayon ang Comelec para alamin ang lawak ng naging pinsala ng malakas na lindol sa mga pasilidad na gagamitin para sa pagsasagawaan ng halalan.
Nasa proseso na rin umano ang poll body ng pag-analisa sa kahandaan ng bawat pasilidad kung saan gagawin ang halalan, partikular sa mga lugar na matinding napinsala ng lindol.
Sa ngayon, ayon pa kay Jimenez, wala pang rekomendasyon para sa pagbabago ng mga polling centers kasunod ng malakas na lindol.
Sinabi pa ni Jimenez na uunahin nilang simulan ang shipping ng mga balota sa mga malalayong lugar.
104