TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi mauulit ang pagpalya ng halos 500 secured digital cards (SD) na may lamang record ng mga balota matapos isalang sa final testing ang sealing nitong Biyernes.
Ang 473 SD card mula sa 43,000 cards ay pumalpak nang ilagay sa pwesto sa isinasalang testing. Sinabi ni Comelec spokesperson Dir. James Jimenez, nakahanda ang kanilang back up SD cards para sa agarang replacement ng mga matutukoy na depektibong cards.
“We received reports of up to 473 cards corrupted. This is out of the 43,000 SD cards that are in play right now,” ayon sa Comelec spokesperson.
Gayunman, sinabi ni Jimenez na hindi rin basta-basta maglalabas ng bagong SD cards ang Comelec hangga’t hindi dumaraan sa pagsusuri ang mga mauulat na nagka-aberya.
Ikinatuwa pa rin ng Comelec ang pangyayari dahil hanggat maaga ay nakita na agad ang ilang pagpalya at agarang pagtugon sa problema.
129