COMELEC TAMEME PA RIN SA KALAMPAG NG LP

kiko pangilinan12

(NI NOEL ABUEL)

KINALAMPAG ng Liberal Party (LP) ang Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag sa iregularidad sa nakalipas na May 13 midterm elections na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot ng poll body.

Giit ni Senador Francis Pangilinan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatanggap ng LP ang tugon  ng Comelec sa maraming isyu sa May 2019 elections tulad ng 7-hour glitch.

“Comelec has yet to officially turn over its technical report and findings on the reason behind the glitch and has yet to release all logs of the transparency server for examination and scrutiny. Until these are submitted we withhold drawing conclusions as to the overall conduct of the elections,” sabi nito.

Hindi pa rin umano nagbibigay ang Comelec ng kumpletong listahan ng corrupted SD (secure digital) cards at hindi gumaganang VCM (vote-counting machines) sa apat na rehiyon na nakaapekto sa mahigit tatlong milyong boto.

Hindi pa rin umano nagpapaliwanag ang Comelec sa mga dahilan kung bakit nasira ang mga ito.

Importante umano ito dahil sa Senate race, ang pagkakalayo ng boto sa pagitan ng 9th (15,510,026 votes, final official tally) at 14th place (14,117,528, official tally as of May 20) ay mababa lamang sa tatlong milyong boto sa 1,392,498 votes).

Idinagdag pa ni Pangilinan na nagtataka ito kung bakit binigyan ng thumbs-up ang automated election system sa kabila ng naitalang glitches sa araw ng eleksyon. Gayundin ang pagpayag na gamitin ang marking pen subalit binawi rin ito habang ang VCMs at SD cards ay pawang naging palpak.

“Why did they certify that the marking pens were good — only for the pens to be recalled? Why did they certify to the efficacy of the VCMs and the SD cards only for the machines to bog down and the SD cards being of poor quality in unprecedented numbers?,” pagtatanong pa nito.

Maging ang Smartmatic ay dapat na magpaliwanag sa taumbayan dahil sa palpak nitong serbisyo sa kabila ng malaking pondo na inilaan para sa eleksyon.

 

130

Related posts

Leave a Comment