COMMUNITY SERVICE SA MINOR OFFENSE IGINIIT

gordon12

(NI NOEL ABUEL)

UMAASA si Senador Richard J. Gordon na magiging batas ang panukalang magpapabilis ang paghatol sa mga nakadetine sa piitan.

Ayon sa senador, malaking tulong ang Senate Bill No. 2195 o ang Community Service Act para mabago ang buhay ng mga nakakulong na may kinakaharap na mababang kaso.

Sa ilalim ng SBN 2195, maliban sa mababawasan ang bilang ng mga piitan sa bansa ay maaaring ihatol ng korte ang community service sa halip na pagkakakulong.

“This will be a game changer. Instead of serving time in jail, offenders who committed minor offenses will pay their debt to society by doing community service which will be beneficial to the whole community. This way they can do penance for the offenses they committed without worsening the congestion of our jails across the country,” ani Gordon.

Bago ang pagtatapos ng 17th Congress ay naihabol sa ikatlo at huling pagbasa ang ang nasabing panukala.

“It provides that community service shall consist of any actual physical activity which inculcates civic consciousness, and is intended towards the improvement of a public work or promotion of a public service,” dagdag pa ng senador.

132

Related posts

Leave a Comment