(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY EDD CASTRO)
GAGANTI ang mga botante sa mga senatorial candidate ng administrasyon kapag walang ginawa si Pangulong Rodrigo Duterte para mapigil ang sunod-sunod na oil price increase na tiyak na magkakaroon ng domino effect sa mga pangunahing bilihin.
Ginawa ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao ang babala matapos muling pagpatupad ng big tim oil price increase ang mga kumpanya ng langis na inaasahang makakaapekto umano sa presyo ng mga pangunahing bilihin na kapag nangyari ay tiyak na gaganti ang mga consumers.
“Domino price surges should make Duterte admin suspend taxes on oil products, or its candidates should say goodbye to winning posts,” pahayag ni Casilao.
Kahapon ay nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kung saan P1.40 hanggang P1.75 ang nadagdag ang presyo ng kada litro ng gasolina,;P1.40-P1.50 sa diesel; P1.30-P1.40 sa kerosene at P1 hanggang P2 sa bawat kilo ng Liquified Petroleum Gas (LGP).
Sinabi ng mambabatas na kung talagang may pagpapahalaga si Duterte sa mga tao ay dapat nitong suspendehin ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at alisin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
“This should be a period of winning people’s hearts and minds, but how could admin candidates do such task, when all they claim is loyalty to President Duterte, who is carrying out the very policies that sow poverty and misery across the country,” ayon sa kongresista.
Gayunpaman, kapag hinayaan ni Duterte na magdusa ang mga tao kalapit ng makokolektang excise tax sa mga produktong petrolyo ay idadaan ng mga tao ang kanilang pagkadismaya sa balota at hindi iboboto ang kaniyang mga kandidato lalo na sa Senado.
140