HIV PATIENTS IPINASASAMA SA INSURANCE COVERAGE

aids

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA ayaw at sa gutong mga life insurance firms, kailangang tanggapin ng mga ito ang mga Human Immudeficiency Virus (HIV) patients kung gusto ng mga ito na magkaroon ng insurance.

Ito ang dahilan kaya umapela si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa lahat ng mga insurance company a baguhin na ang kailang polisya na hindi isinasama ng mga ito ang mga ‘person living with HIV” sa kanilang mga sine-seguro.

Ipinaalala ng mambabatas sa lahat ng mga health at life insurance companies na base sa ilalim ng Republic Act (RA) 11166 o batas na nagpalakas pa sa kampanya laban sa HIV-AIDS, na epektio na noong Enero 25, 2018, isasama na ang mga mayroong HIV sa puwedeng magkaroon ng insurance.

“Section 42 (e) of the law, which states: “No person living with HIV (PLHIV) shall be denied or deprived of private health insurance under a Health Maintenance Organization (HMO) and private life insurance coverage under a life insurance company on the basis of the person’s HIV status. Furthermore, no person shall be denied of his life insurance claims if he dies of HIV or AIDS under a valid and subsisting life insurance policy.” ani Pimentel.

Sinuman ang mga insurance firms na hindi umano susunod sa batas na ito ay mahaharap sa kaso na may parusa na hanggang 5 taong pagkakabilanggo at multang P50,000.

Hindi pa kasama aniya dito ang administrative sanctions tulad ng suspensyon at pagbawi sa kanilang business permit at maging ang kanilang lisensya, accreditation at professional lisence.

“We’ve gone over several standard insurance policies issued prior to the passage of the law, and we came across a number (of policies) that categorically excluded HIV-related cases from coverage. These exclusions are no longer possible,” banggit pa ng mambabatas.

Mula 1984, umaabot na sa 62,029 ang Filipino na tinamaan sa nasabing sakit na wala pang lunas na karaniwang nakukuha sa walang proteksyon na pakikipagtalik.

Noong Disyembre 2018, 33,575 sa mga ito  ang sumasailalim  sa Antiretroviral Therapy (ART) upang mapabagal ang virus sa kanilang katawan.

 

 

 

72

Related posts

Leave a Comment