CONTINGENCY PLAN NG DoE SA ELEKSIYON PINAHAHANDA

doe

(NI ABBY MENDOZA)

BAGAMA’T nagbigay na ng kasiguruhan ang Department of Energy (DoE) na walang magaganap na power interruption sa araw ng halalan, Mayo 13, nais ng isang mambabatas na maging handa pa rin ang ahensya at maglatag ng contingency plan.

Ayon kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ilang linggo nang itinataas ng National Grid Corporation of the Philippines sa yellow at red alert status ang Luzon grid dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente dulot ng pag-shutdown ng ilang power plants bunsod na rin  ng mataas na demand.

Dahil dito, nais malaman kung ano ang contingency plan ng DoE kung may biglaang ganitong aberya umano pagsapit ng halalan.

Aniya, dapat habang mas maaga ay mayroon na ring nakalatag na  contingency plans upang hindi nagkakabiglaan sa mismong araw ng eleksiyon at biglang mawalan ng kuryente.

Dagdag pa ni Velasco, hindi lamang sa botohan kundi hanggamg sa bilangan ay may sapat na supply ng kuryente at walang mararanasan browout.

“Hindi lamang sa May 13 dapat may kuryente kundi pati sa proseso ng bilangan hanggang sa transmission ng boto,”pahayag ni Velasco.

Aminado si Velasco na nangangamba sya na kung magkakaroon mg power interruption ay magkaroon ng epekto sa kredibilidad ng resulta mg eleksyon.

Maaari umanong makompromiso ang kagustuhan ng publiko na magkaroon ng patas, malinis at tapat na eleksyon kaya dapat kumilos na ang energy officials at industry players.

 

146

Related posts

Leave a Comment