(NI MAC CABREROS)
PAGPAPABUTI sa serbisyo upang masigurong walang brownout sa susunod na mga araw, higit pagdating ng araw mismo ng halalan sa Mayo ang nararanasang rotational brownout ngayong linggo, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco).
Ini-anunsyo ng Meralco ang mga lugar na makararanas ng panandaliang pagkawala ng kuryente bunsod ng maintenance works na isinasagawa na nagsimula nitong Abril 28 at magtatagal hanggang Mayo 5.
Sa abiso ng Meralco, apektado ng line conversion work sa Nicanor Roxas St. (Laong Laan) ang pagkawala ng kuryente ganap alas-10 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon bukas (Abril 30) A. H. Lacson St. (Gov. Forbes) hanggang A. Maceda St.
Mawawalan din ng kuryente ganap alas-10 ng umaga hanggang alas-tres ng hapon sa Sitio Lower Lucban Phase 5 Street Bgy. Dela Paz, Antipolo City.
Pansamantalang mapuputulan ng kuryente ang bahagi ng Ninoy Aquino Ave. sa Brgy. Sto. Nino, Paranaque City; Pildera II St. at Rivera Village Elementary School sa Pasay City dahil sa pagpapalit ng poste at line reconducturing.
Line conducturing at pagdagdag ng lightning protection device din ang mangyayari sa Ayala
Hillside Estates at Ayala Village Subdivision sa Brgy. Matandang Bala, Quezon City ang dahilan para maputol ang kuryente sa bahagi ng Mactan at Cayetano Arellano Streets sa Tandang Sora Ave., Quezon City sa pagitan ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Magbanua St., mula T. Mascardo St., kasama ang Yengco St., sa AFPOVAI Subdivision, Phase 4, Brgy. Western Bicutan, Taguig City dahil sa pagkumpuni ng linya dito.
Dalawang beses mawawalan ng kuryente, alas-5:30 ng umaga hanggang alas-6:00 ng umaga at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-6:30 ang bahagi ng Calamba – Los Baños National Highway (Manila South Road) mula Taklaban St. sa Brgy. Real hanggang Bucal Barangay Road sa Brgy. Bucal, Calamba CityLaguna.
Kasunod na mawawalan ng kuryente ang Camp Eldridge sa Brgy. Lalakay hanggang Batong Malake Junction Road sa Bgy. Años at Batong Malake, Los Baños, Laguna dahil sa pagkumpuni sa linya ng NGCP sa Makban Bay.
Sa Bulacan, mapuputulan ng kuryente alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ang bahagi ng Sentinela St. mula Talbak Road kasama ang Sentinela Chapel; L. De Leon, Sarmiento at V. Santos Streets sa Brgy. Pulong Yantok dahil sa pagpapalit ng poste at line reconductoring.
Ilang bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang apektado ng maintenance works mula Abril 28 hanggang Mayo 5 kaya pinapayuhan ng Meralco ang publiko na bumisita sa kanilang website upang mabatid kung kasama ang kanilang lugar na apektado.
Naunang tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines na walang magaganap na brownout sa Mayo 13.
187