‘CONTRACTUAL’ WALANG PARTE SA SERVICE CHARGES, KINUWESTIYON

(NI BERNARD TAGUINOD)

KINUWESTIYON sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pag-estsapuwera sa mga contractual workers  sa mga makikinabang sa service charges na kinokolekta ng mga restaurant, hotel at mga kahalintulad na establisyemento kanilang mga customers.

Ginawa ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun ang pagkuwestiyon matapos makarating sa kanilang kaalaman na hindi kasama ang mga contractual workers sa service charges.

“This agreement excluding contractual employees from the coverage of R.A. 11360 is highly questionable not only for its inconsistencies with the law, but also for being a circumvention of the lawful procedure for its implementation,” anang mambabatas.

Sa ilalim ng nasabing batas, makukuha na ng mga empleyado ng buong-buo o 100% ang service charges na isinasama sa bill ng mga customers ng mga restaurant at mga hotel.

Bago ang nasabing batas, nakikihati ang management sa service charge subalit binago ito at ibinigay ng buong-buo sa  “lahat” ng empleyado, ano man ang kanilang employment status.

Dahil dito, nagulat ang mambabatas nang makarating sa kanilang kaalaman na tanging ang mga regular workers ang nakikinabang sa service charges gayung nagtatrabaho din naman ang mga contractual workers.

“If the hotel owners are trying to wiggle out of RA 11360 by using the words ‘direct employ’ as their excuse to exclude contractuals, including outsourced workers’, then I have to remind them that that argument may not be tenable,” ani Fortun.

Dahil dito, pinakikilos ng mambabatas ang Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang bagay na ito at tiyaking lahat ng empleyado kasama ang mga contractual ang makikinabang sa service charges.

213

Related posts

Leave a Comment