(NI HARVEY PEREZ)
IPINAAARESTO ng Manila Regional Trial Court Judge Thelma Bunyi-Medina, ng Branch 32, si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison, ang kanyang misis at 36 iba pa, kaugnay sa kasong multiple murder na isinampa laban sa kanila mahigit isang dekada na ang nakakalipas.
May petsang Agosto 28, 2019 , ang inisyung warrant of arrest laban kina Sison noong Agosto 28 sa kasong isinampa na may kaugnayan sa natuklasan na isang mass grave sa Inopacan, Leyte na pinaglagyan umano ng mga pinaslang na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) noong 1980.
Hindi naman nagrekomenda ng piyansa, ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.
Kasamang pinaaaresto, maliban kay Sison na nasa exile sa The Netherlands, sa 15 counts ng murder sina Rodolfo Salas, alyas Ka Bilog, Leo Velasco, Jose Luneta, Geronimo Pasetes, Prudencio Calubid at Luis Jalandoni, mga senior adviser ng CPP- National Democratic Front of the Philippines.
Kabilang pa sa pinaaresto sina Sarmiento Eduardo, Juliet Sison, Francisco Pascual, Jr. Mil Lominion, Fortunato Felicilda, Benjamin Beringel, Quirino Quinawayan, Fernando Rachel,
Pecario Sonana, Jesus Solayao, Lino Salazar, Alfredo Taladro,Tito Gabar, Muco Lubong, Felix Dumali,Ciriaca Malimot, Luzviminda Orillo, Anselmo Balduhesa, Alfredo Mabingay,Bertino Oroza, Bonifacio Padoc,Rodrigo Papiona, Prescillono Beringel, Anastacio Dorias, Fr. Nick Ruiz, Sammy Labarda, Charlie Fortaliza, Luis Villena, Rolando Caballera, Donata Lambrento, at Luz Abejo.
Nabatid na si dating Bayan Muna congressman Satur Ocampo, NDF consultant Vicente Ladlad, at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas deputy secretary-general Randall Echanis ay akusado rin sa nabanggit na kaso.
Nalaman na sina Sison at iba pang akusado ay responsable umano sa ‘Inopacan Massacre’ , kung saan nadiskubre sa isang mass grave ang 67 kalansay ng mga umano’y pinagpapatay na NPA noong 1980s.
Si Sison at kanyang misis na si Juliet, dating communist peace negotiator, ay naka self-exile sa Netherlands, may dalawang dekada na ang nakalilipas.
Si Jalandoni ay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) senior adviser.
Nabatid na si Salas, alias Ka Bilog, ay dating CPP chair na naaresto noong 1986 at pinagkalooban ng amnestiya noong 1992 ni dating pangulong Fidel V. Ramos; si Velasco ay isang communist consultant;
Jose Luneta, co-founder ng Kabataang Makabayan at dating CPP secretary general na nasawi sa Germany noong Mayo 2018. Habang sina Calujid at Eduardo ay pawang mga NDFP consultant.
155