RICE TARIFF LAW NAIS BAGUHIN; P13-B AYUDA IBIBIGAY SA FARMERS

kiko23

(NI NOEL ABUEL)

PINAAAMYENDAHAN ng isang senador ang Rice Tariffication Law bilang solusyon sa dinaranas na paghihirap ng mga magsasaka sa buong bansa dahil sa mababang presyo ng palay.

Ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan kailangan ang agarang tulong ng mga magsasaka kung kaya’t nagdesisyon itong ihain ang resolusyon na naglalayong pag-aralan muli ang nilalaman ng Rice Tariffication Law.

Kasabay nito, ipinanukala rin ni Pangilinan ang pagkakaloob ng P13 bilyong cash assistance sa mga magsasaka na kukunin sa P4 bilyon ng P10 bilyong nakalaang pondo sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at P9.19 bilyong koleksyon mula sa buwis na nakolekta sa rice importation mula Marso 5, 2019 hanggang Agosto 31 2019.

“These amounts were confirmed by the Department of Budget and Management (DBM) and the Bureau of Customs during the September 3 hearing of the Senate Committee on Agriculture and Food,” ayon kay Pangilinan.

“Emergency ang kalagayan ng ating mga magpapalay at ng rice industry. At meron namang pera na pwede nang ipamahagi sa mga hirap na hirap nang mga magsasaka,” dagdag pa nito.

 

161

Related posts

Leave a Comment