CPP-NPA-NDF: WALA KAMING TINATANGGAP MULA EU

cpp npa12

(NI MAC CABREROS)

PINASUNGALINGAN din ng CPP-NPA-NDF ang akusasyon ng administrasyong Duterte na may perang pumapasok sa kanilang bulsa mula sa European Union.

Sa kalatas na nakarating sa Saksi Ngayon, nagmumula ang kanilang pondo mula sa mga kasapi at ilang hakbang para makalikom ng pondo.

“Ang CPP-NPA-NDF ay isang self-reliant organization na may ipinapatupad na patakarang pampinansyal. Wala pong anumang grupo, sa EU man o sa ibang lugar, na nagpopondo sa rebolusyong Pilipino,” diin ng grupo.

Nauna nang pinasubalian ng EU ang alegasyon ng gobyerno na napupunta sa rebeldeng grupo ang pondo ng sinusuportahang non-government organization.

Bagama’t ganito, muli silang magsagawa ng internal audit upang masagot ang usapin kung saan natanggap nila nitong Marso 28 ang mga dokumentong nagdedetalye hinggil dito.

Binigyan-diin ng isang mapagkatiwaalang source na itinuturing ng EU na teroristang grupo ang CPP-NPA kaya’t malayong kanilang susuportahan ang mga huli.

Hinggil naman sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng makakaliwang grupo, inihayag nito na isang simpleng salu-salo ang kanilang isinagawa kasunod ang isang taktikal na opensiba.

“Marami po tayong dapat ipagsaya dahil hindi matatawaran ang mga aral na napulot natin mula kapwa sa mga tagumpay at kabiguan sa loob ng 50 taon,” pasubali ng grupo sa pahayag ng gobyerno na walang dapat ipagdiriwang ng rebeldeng grupo dahil maraming miyembro ang nagbalik-loob sa gobyerno.

 

197

Related posts

Leave a Comment