(NI NICK ECHEVARRIA)
INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang PNP-Highway Patrol Group na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa paggamit ng mga blinkers, sirens at iba pang mga kahalintulad ng mga nakabibinging gadgets.
Ginawa ni Albayalde ang kautusan bunga ng dumaraming reklamo sa paglabag ng mga convoys at mga motorcades ng mga political parties at mga kandidato kaugnay sa 2019 midterm elections.
“We are moving forcefully against the indiscriminate use of prohibited sirens, bells, horns, whistles or similar gadgets that produce staggering sounds as well as illegal domelights, signalling or flashing devices” ayon kay lbayalde.
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 96, pinapayagan lamang gumamit ng mga sirens at blinkers ang mga sasakyan na ginagamit sa mga opisyal na lakad na nakatalaga sa mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng; Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Land Transportation Office, Police Departments, Fire Departments, mga hospitals at ambulances.
Maaaring kanselahin o ipawalang-bisa ang mga certificate of registration ng mga sasakyang lalabag sa PD 96 bilang kaparusahan.
Pinaalalahanan din ng PNP ang mga kandidato at political parties na igalang at sundin ang safety protocol and courtesy sa kanilang mga campaign motorcades at convoys sa mga national highways at main thoroughfares para maiwasan ang mga aksidente at pagka-abala ng mga dumaraang motorista.
Pinayuhan naman HPG na i-coordinate ng mga malalaking convoys at motorcades ang kanilang mga activities sa mga local government units at local PNP offices para sa kaukulang assistance.
97