DA WHO? POBRENG KAPITBAHAY TABLADO SA SENADOR

SA gitna ng isinusulong na programang pabahay ng pamahalaan, tinutulan ng matapobreng senador ang pagtatayo ng isang socialized housing project sa lungsod kung saan naghahari ang kanyang pamilya.

Ang dahilan – walang lugar ang mga pobre sa lungsod sa gawing katimugan ng Metro Manila dahil masyadong mahal aniya ang lupa sa kanila.

Kwento ng isang dating opisyal ng isang tanggapan sa ilalim ng Department of Human Settlements and Urban Development, tinawagan siya ng butangerang senador para sitahin ang isinusulong na proyekto. Nang mangatwiran, minura di umano siya ng senador mula ulo hanggang paa.

Hindi pa nasiyahan sa kanyang pagmumura, sukdulang pati ang proyektong pabahay para sa mga pamilyang tanging pangarap ay magkaroon ng sariling tahanan sa karatig lungsod, sinabotahe rin niya. Dangan naman kasi, may proyekto rin pala ang kanyang pamilya sa naturang lugar.

Bakit nga ba ayaw ng senador matuloy ang socialized housing project sa kanyang lungsod? Kasi nga naman, bababa ang presyo ng sandamakmak niyang pag-aari sa naturang siyudad.
Ipa-Tulfo na yan!

214

Related posts

Leave a Comment