DAGDAG 1K SA GSIS PENSIONER, PWD

gsis

MAGANDANG balita sa mga pensiyonado at people with disabilities (PWDs) ng Government Service Insurance System (GSIS).

Magkakaroon ng dagdag na P1,000 ang pensiyong matatanggap ng mga retirado at persons with disability, ayon sa pangulo ng ahensiya.

Ayon kay GSIS President Jesus Clint Aranas, target nilang mailabas sa susunod na buwan hanggang Marso ang resolusyong magtataas sa minimum basic pension sa P6,000 mula P5,000.

“As long as it does not affect our fund life, increase kami so we already passed a resolution increasing it, mararamdaman na ng mga pensioner namin,” sabi nitong Miyerkoles ni Aranas sa isang press conference.

Walang epekto, ani Aranas, ang dagdag-pensiyon sa pondo ng GSIS na aabot sa higit 40 taon.

Kahit may dagdag sa pensiyon, hindi raw tataasan ng GSIS ang kontribusyong hinihingi nito sa mga miyembro.

Pero kung lulusot sa Kongreso ang isang panukalang layong ibaba ang retirement age sa 60 mula 65, posible umanong umikli ang buhay ng pondo ng GSIS sa 15 taon.

 

 

176

Related posts

Leave a Comment