P500K REWARD KAY ‘KAMAH’

jolo200

ISANG non-government organization ang nag-alok umano ng P500,000 pabuya sa pagkakadakip sa isang alyas ‘Kamah’ na sinasabing nasa likod ng dalawang pagsabog sa Jolo noong Linggo.

Kinumpirma ni Wesmiscom spokesperson Col. Gerry Basana na malaking tulong ang pabuyang ibibigay ng isang non-government organization sa ikabibilis sa paglutas ng kaso.

Puspusan pa rin ang pagtugis kay ‘Kamah’ umano’y kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf leader. Patuloy ang opensiba ng military sa mga lugar na posibleng pinagkukutaan ni ‘Kamah’.

Inaalam din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang report na Yemeni couple ang mga suicide bombers ng Mount Carmel Cathedral.

19

Related posts

Leave a Comment