DAGDAG KASO KAY EX-HEALTH SEC. GARIN ISINAMPA

den2

(NI TERESA TAVARES)

NADAGDAGAN muli ang kaso laban kay dating Health secretary Janette Garin bunsod ng Dengvaxia vaccine, ang kauna-unahang dengue vaccine sa mundo. Inihain sa Department of Justice (DoJ) ang ika-30 reklamo ng mga magulang ng 12-anyos na dalagita na nasawi nito lamang Enero 2018 matapos umano maturukan ng naturang bakuna.

Naghain sa DoJ ng reklamo sina Christopher at Ginalyn Magtira at pinapanagot si  Garin at 38 iba pa ng reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa  anti-torture law at paglabag sa Consumer Act dahil sa depektibong gamot. Sa complaint affidavit, tatlong beses binakunahan ang kanilang anak na si Kristel Jean sa kanilang paaralan sa  Candaba, Pampanga.

Nilagnat ang bata noong Enero 8,2018. Gumaling ang biktima ngunit nagkasakit muli matapos ang dalawang araw at namatay. Batay sa forensic examination results ng Public Attorney’s Office (PAO) kay Kristel Jean, lumalabas na nagkaroon ito ng  multi-organ enlargement, gross deformity ng utak, hemorrhages sa kanyang mga organs kabilang ang puso, baga, tiyan at utak. Sinabi ng mga magulang na malusog ang kanilang anak bago tinurukan ng Dengvaxia vaccine.

16

Related posts

Leave a Comment