STRANDED KAY ‘USMAN’ HIGIT 17K NA

usman

UMABOT na sa may 17,315   ang bilang ng pasahero  na stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa napipintong pananalasa ng bagyong ‘Usman’.

Base sa inilabas na monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) dakong alas-11:00 ng umaga ,nasa 17,315 pasahero, 1,464 rolling cargoes, 116 vessels, at 24 motor banca, ang hindi pinayagan na makabiyahe sa iba’t ibang pantalan.

Inaasahang tataas pa ang naturang  bilang sa mga susunod na oras. Gayunman, tiniyak ng PCG, na papayagang  makabiyahe ang  mga sasakyang pandagat sa sandaling bumuti na ang lagay ng panahon. Nalaman  na sa Bicol ang may pinakamalaking bilang ng mga na stranded na pasahero na umabot sa 6,586; Eastern Vizayas, 4,091;Southern Tagalog,1,770;Central Vizayas,1648; National Capital Region ,1,049; at Western Visayas,982; Southern Visayas,736; at Northern Mindanao,453. Sinabi ng PCG na mahigpit na ipatutupad ang HPCG Memorandum Circular number 02-13 na guidelines sa galaw ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon. (Samantha Mendoza)

149

Related posts

Leave a Comment