MAG-AMANG GARIN LULUBOG SA DAMI NG KASO

albayalde

SAKALING mapatunayang marami pang pulis at sibilyan ang inabuso ni Guimbal Mayor Oscar Garin at anak na si Iloilo 1st District Rep. Richard Garin, tiyak na lulubog ang mga ito sa patung-patong na kasong isasampa laban sa mag-ama

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde matapos ibunyag ni Chief Supt. John Bulalacao, director ng Western Visayas Police, na ilang retiradong police officers ang handa nang magsalita ngayon sa umano’y pang-aabuso ng mga Garin.

Nakatanggap umano ang regional police ng mga report na kahit mga sibilyan ay binubugbog ng mag–ama. Hindi umano nakapagdedemanda ang mga ito sa takot na patayin ng mga Garin at bodyguards. Ilan din ang nababayaran para iatras ang isinampang kaso.

“Aalamin natin iyan kung meron pang ibang kaso ng pang-aabuso. At kung mayroon, sasampahan pa namin sila ng mga kaso,” sabi ni Albayalde.

Nabunyag lamang ang pang-aabuso ng mga Garin matapos bugbugin at tutukan ng baril si PO3 Federico Macaya, Jr.

Tiniyak naman ni Albayalde na susuportahan nila ang mga pulis o retired personnel na nakaranas ng pang-aabuso ng mga Garin.

8

Related posts

Leave a Comment