DAGDAG-PONDO SA DEPED SA NASIRANG SCHOOL SA LINDOL

deped65

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

LALONG napinsala ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa pagpapatayo ng mga school building bunsod ng pananalasa ng lindol sa Southern Mindanao.

Ito ang binigyang-diin ni Senador Ralph Recto kasabay ng pagsusulong na bigyan ng dagdag na pondo ang DepEd para sa pagsasaayos ng mga paaralan makaraang maiulat na nasa 500 silid-aralan at 700 school buildings ang nawasak.

Sinabi ni Recto na hindi dapat maging manhid ang Kongreso sa trahedya na nagsisilbing banta sa pag-aaral ng milyong kabataan.

Binigyang-diin ng senador na may responsibilidad ang Kongreso na dagdagan ang capital outlay funds ng DepEd dahil mandato ng gobyerno na magbigay ng ligtas na environment para sa pag-aaral.

“DepEd’s school building budget for 2020, as proposed by the DBM, is P20 billion, a steep drop from its P171.7 billion original request,” saad ni Recto.

“By DepEd’s validated count, public schools lack 64,795 classrooms. The amount the DBM endorsed is only good for 8,000 new classrooms,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Recto na dapat ikunsidera ang pinsalang dinulot ng lindol.

“DepEd’s construction budget was already in a calamitous state before the earthquake struck. Kulang na nga ang pondo, lalo pang pinalala ng lindol,” diin nito.

Ipinaalala pa ni Recto na P1.6 bilyon lamang ang hinihiling ng ahensya na sa kanyang tingin ay kaya namang ibigay ng Kongreso.

439

Related posts

Leave a Comment