DAGDAG-SAHOD, BARYA LANG — SOLON 

wage55

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na barya lang ang ibibigay na dagdag na sahod sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno sa pamamagitan ng Salary Standardization Law (SSL).

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ng bagong SSL law upang maitaas ang sahod ng lahat ng empleyado ng gobyerno.

Subalit ayon kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, huwag aniyang umasa ng malaking dagdag na sahod dahil sa pahayag mismo ni Duterte na “a little big bigger” o hindi kalakihan ang itataas na sahod ng mga government workers.

“We are dismayed with the statements of President Duterte of stating another promise with the increase in salaries for teachers and all other government employees,” ani Castro.

Sinabi ng mambabatas na posibleng mas maliit sa P2,000 na dagdag na sahod ng mga public school teachers at mga ordinaryong manggagawa sa gobyerrno sa loob ng apat na taon o mula 2016 hanggang 2019 sa ilalim ng SSL 4.

Malayung-malayo aniya ito sa P10,000 na hinihingi ng mga ito na dagdag na sahod para sa mga public school teachers at mahigit P6,000 para sa mga ordinaryong empleyado ng pamahalaan.

“A little bit bigger’ is very far from the doubled salaries he gave to uniformed personnel. ‘A little bit bigger’ will not be enough for a decent living wage for teachers that shoulder the shortages in school facilities and materials,” ayon pa kay Castro.

Dahil dito, sinabi ni Castro na tuloy na ang laban para sa disenteng sahod umano, hindi lamang ng mga public school teachers, nurses at iba hangga’t hindi sila pinapakinggan ng gobyerno.

“Hangga’t hindi naibibigay ng gobyerno ang sweldo na disente at nakabubuhay sa kanyang mga empleyado lalo na sa mga guro, patuloy na ipaglalaban ang nakabubuhay na sahod, karapatan at mga benepisyo,” ayon pa sa lady solon.

352

Related posts

Leave a Comment