DAGDAG-SAHOD NG STATE WORKERS PINATUTUKAN

sahod

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAILANGAN nang simulan ang pagbuo ng bagong Salary Standardization Law (SSL) upang hindi bumagsak ang halaga ng sinasahod ng mga ito sa kasalukuyan.

Ito ang iginiit ni ACT Teacher party-list Antonio Tinio dahil nasa huling taon na

ang SSL 4 na sinimulang ipatupad ni dating pangulong Benigno Aquino III noong 2016.

“Para hindi ma-erode ng inflation, ang pagtaas ng cost of living (ang value ng sahod ng mga state workers)  kailangan talagang may new round ng salary increase sa lahat ng government employees,” ani Tinio.

Ginawa ni Tinio ang panawagang ito sa mga miyembro ng 18th Congress dahil tulad aniya ng mga mangagawa sa pribadong sektor ay kailangan hindi tumigil ang pagtaas ng sahod ng mga state workers o mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Sa loob ng nakaraang apat na taon, tumaas ng P2,000 o tig-P500 kada taon ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno na may pinaka-mababang posisyon subalit dahil sa pagtaas ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay balewala na

ito.

 

226

Related posts

Leave a Comment