DAGDAG SAHOD SA MGA GURO MAS MAINGAY NGAYON 

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAS malaki ang pag-asang magkaroon ng dagdag na sahod ang mga public school teachers ngayon dahil ibinobroadkast na ng mga mambabatas ang kanilang panukala kumpara noon.

Sa panayam  kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, labis umano ang pagkatuwa ngayon ng mga public school teachers dahil kumpara noong nakaraang Kongreso ay tahimik at hindi nagsasalita ang mga mambabatas ukol sa hinihingi nilang dagdag na sahod.

“Marami rin (naghain ng panukala noong 17th Congress), tahimik lang sila. Ngyon, nag-uunahan silang magbalita ng bills nila,” ani Castro na isang senyales na malaki ang pag-asa ng nasabing panukala.

Bukod sa tahimik ang mga mambabatas sa kanilang panukala noong nakaraang Kongreso ay hindi nila ito itinulak sa committee level kaya hindi naipasa ang nasabing panukala.

“Sana nga totohanin nila (mga mambabatas)  na seryoso na sila,” ani Castro at tumulong para i-pressure ang liderato ng Kongreso na isalang agad ito sa pagdinig ng mga kaukulang committee tulad ng Appropriation committee.

“Nagpaplano nga ang ACT ng education summit at iinvite lahat ng congressmen  at Senators na may bills on salary increase para mapush ang bills and not only just filing it but to work on it to become a law,” ani Castro.

DISMAYADO KAY BONG GO

Kasabay nito, nagpahayag ng pagkadismaya ang grupo ni Castro kay Senator Bong Go dahil P588 lamang ang nais nitong ibigay na dagdag na sahod sa mga government employees.

Nabatid ay ACT national chairperson  Joselyn Martinez, insulto umano sa dignidad ng mga government employees ang panukala ni Go na itaas sa P11,656 ang Salary Grade 1 mula sa kasalukuyang P11,068.

“A P588 increase only amounts to a measly P19.6 daily addition to a family’s budget. That won’t even afford a person one decent meal, let alone feed an entire family. Go’s proposal is an insult to the dignity and dedicated service of rank-and-file civilian employees. His meaningless pay hike proposal is unacceptable to public sector workers,” ani Martinez.

 

111

Related posts

Leave a Comment