DALAWANG ANTI-SUBMARINE CHOPPERS PARATING NA SA ‘PINAS

choppers12

(NI JESSE KABEL)

PARATING na ang  dalawang bagong anti-submarine helicopters ng Philippine Navy mula sa United Kingdom ngayong susunod na linggo.

Ayon kay Navy spokesperson Capt. Jonathan Zata, ang dalawang helicopters na AW-159 “Wildcats” ay kasalukuyang ibinabiyahe na papuntang Pilipinas.

Ang dalawang brand new at state-of-the-art helicopters na ito ay binili ng P5.4 bilyon sa Leonardo, UK bilang bahagi ng modernization program ng Department of National Defense para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kamakailan lamang  ay nagtungo sa UK sina Navy chief Vice Admiral Robert Empedrad at iba pang defense officials para sa pre-delivery test at inspeksyon ng dalawang helicopters.

Tamang-tama ang delivery ng mga bagong anti-submarine helicopters para sa paparating na ring dalawang missile-firing frigates ng Navy na kasalukuyang ginagawa sa South Korea .

Inaasahang mauuna ang pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal na ilulunsad naman at idedeliver ng Hyundai Heavy Industries mula South Korea.

147

Related posts

Leave a Comment