DALOY NG TRAPIKO SA SLEX LULUWAG NA

(NI KIKO CUETO)

INAASAHANG luluwag nang bahagya ang trapiko sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) bago mag-Pasko dahil bubuksan na ang ikatlong lane na pansamantalang isinara sa katapusan ng Nobyembre.

Ito ang pahayag ng private operator na Skyway O&M Corporation.

“On track naman po kami, ‘yung pangako namin na ‘yun pong isang lane na isinara namin temporarily dito sa Skyway upgrade ay isasauli natin by the 30th of November, itong katapusan ng Nobyembre, para bago mag-Christmas, bago mag-December ay three lanes na itong nasa ibaba natin,” ayon kay Skyway O&M president at CEO Engr. Manuel Bonoan sa panayam sa DZBB.

“Yan po ‘yung timetable na sinabi natin na magawa lahat ng paggagawan ng poste namin diyan sa ibaba ng Skyway,” dagdag nito.

Naunang itinulak ng isang Toll Regulatory Board Official na bawasan ng P44 o magbigay ng nasabing discount sa mga Class 1 na mga sasakyan dahil sa idinudulot nitong perhuwisyo sa mga motorist.

Magdedesisyon ang TRB kaugnay dito sa Nob. 7.

 

169

Related posts

Leave a Comment