(NI ABBY MENDOZA)
DAHIL sa kabiguan na i-liquidate ang P26.5M cash advances, pinatawan ng 20 taong pagkakakulong ng Sandiganbayan Seventh Division ang dating alkalde ng Masbate matapos mapatunayang guilty sa kasong malversation of public funds.
Si Milagros Masbate Mayor Bernardito Abado ay hinatulang guilty at pinatawan ng parusang pagkakakulong ng 12 hanggang 20 taon, bukod dito ay diskuwalipikado na din si Abapo na makapagtrabaho sa anumang tanggapan ng gobyerno at inatasan ito ibalik sa gobyerno ang nasabing halaga.
Binigyang bigat ng Sandiganbayan sa pagdedesisyon sa kaso ang kabiguan ni Abapo na ipaliwanag kung saan at paano nagastos ang P26.5 milyong cash advance nito sa kabila ng makailang beses na demand letter ng Commission on Audit (COA) to account for the public funds.
“In this case, there is no doubt that accused Abapo failed to overcome this prima facie evidence of guilt. He failed to explain why despite a considerable period of time, his cash advances remained to
be unliquidated much less, to restitute the amount upon demand,” nakasad sa 29-pahinang desisyon ng graft court.
Bilang depensa sinabi ni Abapo na nagawa niyang i-liquidate ang nasabing cash advance subalit ang kanyang ginawang report ay hindi pala umabot sa Office of the Treasurer matapos na mamatay ang kanilang municipal administrator.
Hindi kinatigan ng Sandiganbayan ang alibi ni Abapo at sinabing bilang public official ay tungkulin nito na mayroon siyang mga kopya ng mga liquidation papers.
208