(NI NOEL ABUEL)
DAPAT nang pag-isipan ng pamahalaan na buhayin ang parusang kamatayan sa bansa bunsod na rin ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng nangyaring Maguindanao massacre.
Ito ang panawagan ni Senador Imee Marcos kung saan napapanahon na umano ang pagbuhay muli ng parusang kamatayan para sa mga krimen ng hindi mailarawan na antas ng kalupitan at hindi pagkatao.
“The scope of the Revised Penal Code at present does not fathom the horror suffered by the relatives of the brutally murdered victims, specially of the Mangudadatu family and the orphaned children of scores of journalists,” sabi ni Marcos.
Aminado ang senadora na nagbago ang isip nito na noong kongresista pa lamang ay tutol ito na ibalik ang death penalty subalit ngayong senador na ito at nangyayari ang mga madugong krimen ay dapat na ngang ipatupad ito.
Nilinaw ni Marcos na sakaling maibalik ang death penalty ay ipatutupad lamang ito sa mga sangkot sa malalaking kaso tulad ng large-scale drug trafficking at plunder.
“If the death penalty is revived, Marcos said its application should be limited to “very exceptional exceptions” like large-scale drug trafficking and plunder. Definitely, no juveniles,” dagdag pa ni Marcos.
166