DAHIL patuloy ang paglaganap ng iligal na droga sa basa at katiwalian sa gobyerno sa kabilang ng kanyang seryosong kampanya, humingi na ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas sa Senado at Kamara na ibalik na ang parusang kamatayan.
“I respectfully ask Congress to reinstate death penalty, for heinous crimes related to drugs as well as plunder,” ani Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.
“Believe me, I will end my term fighting. It has been 3 years since I took my oath of office and it pains me to say that we have not learned our lesson. The illegal drug problem persists. Corruption continues,” ani Duterte.
Maging noong panahon ng Marawi siege, aniya, ay napatunayang ginagamit na pera ay galing sa iligal na droga at mula noong simula, aniya, ang giyera kontra iligal na droga ay 175 sa kanyang mga pulis at sundalo ang namatay at mahigit 2001 na ang nasugatan.
Hindi rin naitago ni Duterte ang kanyang pagkadismaya dahil patuloy ang katiwalian sa gobyerno katulad ng nangyaring pagnanakaw sa pondo ng mga may sakit sa Philhealth o ang nabunyag na dialysis scam.
“Huge amount of medical funds were released to cover padded medical claims and imaginary treatment of patients. I am grossly disappointed,” pahayag ni Duterte.
Bukod dito, ang mga katiwalian sa ibang ahensya tulad ng Bureau of Customs (BoC) kaya dapat na umanong ibalik na ang parusang kamatayan sa bansa. Ang pahayag ng Pangulo ay sinalubong ng palakpakan ng mga tao.
“I am aware that there is still a long way to go against the social menace. Let the reason why I advocate the imposition of the death penalty for crimes related to illegal drugs,” ayon pa kay Duterte.
138