DEATH THREATS NG MGA PARI PINAAAKSIYUNAN SA GOBYERNO

dutertepriests

(NI HARVEY PEREZ)

IGINIIT ng isang Katolikong pari sa gobyerno na patunayan na wala silang  kinalaman sa mga pagbabanta sa buhay ng mga pari at mga obispo.

Sinabi ni  Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dapat lamang paimbestigahan ng gobyerno kung sino ang may kagagawan ng mga naturang death threat dahil sa posibilidad na may kinalaman ito sa mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga paring Katoliko.

Ayon kay  Secillano , ang mga pari ay mga mamamayan rin ng Pilipinas na dapat na bigyang-proteksiyon ng gobyerno. Una nang lumantad ang tatlong pari  at nagsabing nakakatanggap sila ng mga pagbabanta sa kanilang mga buhay.

Nagsimula umano ang mga banta sa kanilang buhay sa walang tigil na pag-atake ng Pangulong Duterte sa simbahan at mga pari nito, dahil sa kanilang pagtutol sa madugong kampanya nito laban sa illegal na droga.

Inihayag naman sa Malakanyang na maaaring mga pranksters lamang o mga anti-Duterte trolls ang may kagagawan ng mga banta upang sirain ang pangulo, o di kaya’y sa mga personal na kaaway ng mga pari.

Hinikayat  din ni Duterte sa publiko na wag i-harass ang mga religious leaders, matapos ibunyag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na nagpapakilala ang mga nagpapadala ng death threats na nagtatrabaho sa pamilya Duterte.

 

164

Related posts

Leave a Comment