(NI BETH JULIAN/PHOTO BY DANNY BACOLOD)
“EXPRESSION lamang.”
Ito ang pagsasalarawan ng Malacanang sa binitiwang salita ni Senator Ronald dela Rosa tungkol sa pagkamatay ng bata sa isang operasyon noong Sabado sa Rodriguez, Rizal.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi naman intensyon ni Dela Rosa na makapanakit sa kanyang binitiwang salita at isa lamang itong matatawag na expression.
Naglabasan ang mga batikos kay Dela Rosa mula sa mga kritiko at ilang kapwa nito senador nang isagot nito na “s**t happens” sa mga operasyon ng pulis at sino ba naman ang may kagustuhan na may madamay na bata.
“But of course, we are in an imperfect world. If you’re a policeman, do you want a child to be hit? Never, because you have a child as well. You don’t want something like that to happen. But shit happens during operations, shit happens,” tugon ni Dela Rosa nang tanungin ng mga media kaugnay sa indidente.
Paliwanag ni Panelo na accident do happen at sino ang gustong may mamamatay na bata.
Matatandaan na napatay sa isang buy bust operation ang isang pulis at dalawang suspek nang manlaban umano ang mga suspek at ginawang human shield ang bata na anak ng isang suspek, na napatay din.
Sa sagot ni Dela Rosa, sunud-sunod at matinding pagbatikos ang mga tinanggap nito lalo na mula sa mga kapwa niya senador.
197