DEPED INUPAKAN SA MABAGAL NA PAGPAPATAYO NG MGA SCHOOL

deped65

(NI NOEL ABUEL)

SINISISI ng isang senador ang mabagal na pagpapatayo ng silid-aralan ng Department of Education (DeEd) kung kaya’t hindi nito nakamit ang target na bilang ng enrollees sa mga paaralang multigrade, Special Education (SPED), Arabic Language Islamic Values Education (ALIVE), Indigenous Peoples Education (IPED) at Alternative Learning System (ALS).

Ayon kay Senador Win Gatchalian, chair ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, sa pagdinig ng Committee on Finance tungkol sa 2020 budget ng DepEd, dahil sa kabiguan ay nagkaroon ng domino effect o negatibong resulta.

“Ang aktwal na numero ng mga mag-aaral na naka-enrol sa multigrade, SPED, ALIVE, IPED at ALS noong 2018 ay mas mababa kaysa target ng DepEd,” aniya.

Base aniya sa datos mula sa 2020 National Expenditure Program, noong 2018 ay mayroong 285,548 aktwal na mag-aaral ang naka-enrol sa publikong multigrade schools kumpara sa 425,293 target ng DepEd.

Sa mga public at private SPED schools, 236,607 enrollees sa 259,573 na target; sa public ALIVE schools naman ay 163,510 sa 364,007 na target; sa public IPED schools naman ay mayroong 90,100 sa 94,035 na target; habang 818,049 enrollees naman sa 823,013 na target sa ALS.

Dahil dito, hinimok ni Gatchalian ang Department of Budget and Management (DBM) na balikan nito ang kalkulasyon ng classroom targets para sa 2020, tulad ng inilahad na ang 8,000 classroom target ay masyadong mababa base sa nakadidismayang completion rates sa mga nagdaang taon.

“Kailangan nating pagtuunan ng pansin ang lahat ng ating mga mag-aaral. We need to accommodate all our learners. Maybe there is a need for the DBM to it’s their computation for classroom requirements,” saad niya.

“Maghanap tayo ng iba pang paraan upang maipagawa ang mga gusaling pampaaralan dahil hindi na tugma ang kasalukuyang bilang ng mga klasrum sa tumataas na bilang ng mga mag-aaral,” dagdag nito.

Sinabi pa nito na maaaring makipagtulungan ang pamahalaan at pribadong sektor sa pamamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPP) upang mapabilis ang papapatayo ng mga silid-aralan at gusali.

Maaari rin aniyang ang mga schools division na mismo ang magpatayo na ng mga gusali sa halip na ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Hinihimok ni Gatchalian ang DBM na balikan nito ang kakulasyon ng classroom targets para sa 2020, tulad ng kanyang inilalahad na ang 8,000 classroom target ay masyadong mababa base sa nakadidismayang completion rates sa mga nagdaang taon.

 

177

Related posts

Leave a Comment