DEPED MAG-IIMBESTIGA SA TEACHER NA ‘NA-TULFO’

deped

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAYROONG proper forum kung saan dapat resolbahin ang issue ng isang guro at estudyante, ayon sa Department of Education (DepEd) bilang reaksyon sa isang guro sa Maynila na inireklamo kay Raffy Tulfo dahil umano sa child abuse.

“We need cooperation and coordination of all stakeholders to maintain trust, respect and dignity of all learners, teachers, and administrators of school,” ayon sa statement ng Kagawaran.

Hinihikayat din nila ang publiko na huwag nang ikalat ang picture at video ng bata at guro na involved sa insidente dahil sa maaring maidulot nito sa kanilang mga pamilya.

Dagdag pa ng DepEd, na sa mga ganitong issue, dapat na mapangalagaan at maprotektahan ang estudyante at ang guro sa pamamagitan ng due process na kasalukuyan ng nagaganap.

Sinisiguro rin ng Kagawaran sa publiko na ang kasong ito ay nasa opisina na ng DepEd Regional at Division offices para sa tamang proseso na nakapaloob sa batas tulad ng Child Protection Law at Magna Carta for Teachers.

“Schools are second home to learners, while teachers are the second parents. We entrust our children to the institution and the teacher,” ayon pa sa DepEd.

189

Related posts

Leave a Comment