DEPED NAGHAHANDA NA SA SCHOOL OPENING SA JUNE 3

deped12

(NI MAC CABREROS)

BUKOD sa paghahanda sa Mayo 13 elections, puspusan na rin ang paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa pagbabalik ng klase sa Hunyo.

Ayon Education Undersecretary Tonisito Umali, pormal na ikakasa nila ang Brigada Eskwela sa Mayo 16 sa Alfonso Central School, Alfonso, Cavite.

Aniya, hudyat ito sa isang linggong Brigada Eskwela mula Mayo 20 hanggang 25.

Layon nito na pagbuklurin ang mga magulang, guro at iba’t ibang grupo o sektor para maihanda ang mga paaralan at pasilidad para sa pagbabalik eskwela ng milyon-milyong estudyante, pahayag Usec.
Umali.

Magbubukas ang Academic Year 2019-2020 sa Hunyo 3.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Usec. Umali ang mga guro na iwasang gamitin ito (pagpursige sa pagsali sa Brigada Eskwela) bilang rason para matanggap sa enrolment at binigyan-diin na boluntaryo ang pagsama sa naturang hakbangin.

Aniya, mahaharap sa parusa ang sinumang lalabag dito.

Iniulat ng DepEd na 100% na ang kahandaan ng 531,307 guro na titimon sa 389,703 polling precincts sa 36,830 schools ngayon Lunes.

114

Related posts

Leave a Comment