DEPT. OF RESILIENCE ISABATAS NA — SOLON

(NI NOEL ABUEL)

IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go na napapanahon nang  maisabatas ang panukalang Department of Disaster Resilience.

Ito ay kasunod ng serye ng lindol sa Mindanao at ang mapaminsalang bagyo na sumalanta sa Visayas at ilang bahagi ng Luzon noong Disyembre.

Sinabi ni Go na dapat maging proactive ang lahat  at mayroong departamento na tututok sa disaster preparedness at  pagtugon sa mga epekto nito.

Idinagdag pa nito na makatutulong aniyang mapabilis ang pagbangon ng mga biktima ng kalamidad kapag mayroon nang nakatutok na iisang ahensiya ang pamahalaan.

Dagdag pa ni Go na gusto rin ni Pangulong  Rodrigo Duterte na magkaroon ng  mandatory evacuation center sa bawat lalawigan upang maging mas maayos ang  kalagayan ng mga evacuees kapag panahon ng kalamidad.

 

197

Related posts

Leave a Comment