TUTULUNGAN ng Department of Foreign Affairs ang tatlong Pinoy call center employees na nakakulong sa HongKong dahil sa umano’y pagkakasangkot sa scam sa pagbubukas ng mga bank accounts gamit ang pekeng dokumento.
Sa pahayag ng DFA, sinabi na ang mga Pinoy ay nakakulong ng hanggang limang buwan matapos makiisa sa free HongKong tour na pang engganyo at gagamitin para magbukas ng bank accounts.
“Tumutulong ang DFA sa tatlong call center agents na nakakulong doon. Aayuda rin ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa anumang suporta at legal advice,” sabi sa statement ng DFA.
Ang mga nakakulong ay palalayain sa March 2019 matapos ibaba ang sentensiya nang aminin ang dalawang kaso sa paggamit ng ‘false instrument’ sa harap ng Eastern Magistrates’ Courts.
Sinabi ng DFA na ang mga nakakulong ay nagsimulang magbukas ng bank accounts sa Bank of China at Standard Chartered Bank noong October 2018. Inaresto ang mga ito noong October 12 matapos paghinalaan ng mga banko ang kanilang aktibidad.
346