(NI ROSE PULGAR)
NANAWAGAN nitong Huwebes ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na lisanin na ang Tripoli at Libya at hinimok na kagatin ang alok ng pamahalaan na umuwi na ang mga ito sa Pilipinas dahil sa patuloy na kaguluhan na nagaganap sa nabanggit na bansa.
Sinabi ni DFA Chargé d’Affaires Elmer Cato, hinimok nila ang mga Pinoy na naka base sa Tripoli at Libya, na magboluntaryo na silang makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng pamahalaan para sa proseso ng kanilang mga dokumento para makauwi sa Pilipinas bago pa man lumala ang kaguluhan sa Libya.
Ang panawagan ng DFA ay para sa kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy na nakabase sa naturang bansa.
Bunsod na rin na kakaunti lamang ang bilang na gustong umuwi sa 2,000 Pinoy na ninirahan at nagtatrabaho sa Libya.
Sinabi pa ng DFA, na nag-deploy na rin umano ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga tauhan nito upang makipag coordinate sa Filipino community sa Tripoli at Libya upang makapag-avail ng repatriation program ng gobyerno sa mga OFWs na nais ng umuwi ng Pilipinas.
136