PAGLISAN NG CHINESE VESSELS INAASAHAN NG PALASYO

chinese vessels12

(NI BETH JULIAN)

KUMPIYANSA ang Malacanang na magiging positibo ang China sa panawagan  ni Pangulong Rodrigo Duterte na lisanin ng mga Chinese vessels ang Pagasa Island at iba pang isla na sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw ang posisyon ng Pangulo nang sabihin nito handa siyang makipag kaibigan sa China pero hindi dapat galawin ng mga Chinese ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa.

Binigyan-diin pa ng Pangulo, ayon kay Panelo, na kung magpapatuloy pa ang aktibidad ng China ay nakahanda ang mga sundalo na sumabak sa suicide mission.

Dahil dito, malaki ang paniwala na tutugon ang China sa mabibigat na binitawang salita ng Pangulo at gagamitin ito bilang hudyat para lisanin na ang lugar.

Dagdag pa ng Panelo, bilang chief Presidential counsel, ay handa siya na payuhan ang Pangulo sakaling hingin nito ang kanyang opinyon sa usapin.

Una na ring nagpahayag ng kahandaan ang pamunuan ng Department of National Defense at Armed Forces of the Pihilippines, na ipagtanggol laban sa China ang Pagasa Island at iba pang teritoryo ng bansa.

Ipinangako ng DND na gagawin nila ang lahat para maipagtanggol ang kasarinlan ng bansa.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi nito papayagan ang China na okupahin ang isla ng Pagasa na sakop ng Palawan

157

Related posts

Leave a Comment