DFA: WALANG NADAMAY NA PINOY SA UTRECHT TRAM SHOOTING

neterh12

(NI DAVE MEDINA)

ABALANG-ABALA ngayon sa pag-alam ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong mga Pilipinong nadamay sa shooting incident sa Utrecht kahit pa may inisyal na ulat na walang nadamay sa Filipino community doon.

Ayon sa DFA, patuloy na nakikipag-ugnayan hanggang sa ngayon ang Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands  sa mga Dutch police at Dutch Foreign Ministry patungkol sa  insidente ng pamamaril.

Gayundin, nakikipag-ugnayan na rin umano si Ambassador Jaime Victor Ledda sa mga kasama sa Filipino community sa Utrecht at inaabisuhan ang mga ito na pag-ibayuhin ang pag-iingat.

Kasunod nito ay nagpahayag naman ng kanilang pakikiramay at simpatya ang DFA sa Netherlands kasunod ng shooting incident sa tram.

Tatlo katao na ang kumpirmadong patay habang siyam na iba pa ang sugatan sa shooting incident sa mataong lugar  sa Ultrecht.

Naaresto at ikinulong naman ng mga Dutch police ang suspek sa pamamaril sa tram sa Utrecht City na kinilalang si Gokmen Tanis, 37, Turkish, habang  patuloy pa rin inaalam ang motibo sa pamamaril ng suspek.

73

Related posts

Leave a Comment