‘DI SA AKIN NAPUNTA ANG P25-M — PADACA

(NI KIKO CUETO)

INAMIN ni dating Isabela governor Grace Padaca na na-shock siya sa naging desisyon ng anti-graft court kaugnay sa umano’y ‘misuse’ ng P25 million na agricultural funds na inihaing kaso laban sa kanya.

“Sa akin ba napunta ang P25 million, hindi sa magsasaka? Ibinigay na po namin ang mga ebidensiya, ganyan pa rin ang nangyari that’s why I did not even know what to say, what to think, what to feel,” sinabi ni Padaca sa panayam sa DZMM.

Nitong Biyernes, hinatulan ng Sandiganbayan 3rd Division si Padaca ng guilty sa kasong malversation and graft, at nasentensyahannng jail term.

Aabot sa 14 na taong pagkakabilanggo ang kakaharapin ni Padaca.

Si Padaca, ay isang dating broadcaster, at 2008 Ramon Magsaysay Awardee for government service.

Tinalo niya noon ang incumbent governor mula sa Dy clan, na kilalang political family.

“Sabi ko later kay Atty. (Rogelio) Vinluan na parang ang sama-sama ko naman, parang ang dami ko namang kasalanan when the only thing that I did regarding the P25 million fund is noong pinirmahan ko po ‘yung tseke para i-release na sa NGO na magma-manage nito, para ipautang sa mga magsasaka at para singilin after the anihan… wala na akong naging role after that,” sinabi nito.

“Because it was so hard to imagine for me ‘yung ganitong [this] scenario pero [but] it happened. I was too shocked, I’m numbed. Ganun ang epekto sa akin (That was the effect on me),” dagdag ni Padaca.

Ipinaliwanag din niya kung ano nangyari sa P25-million fund.

“‘Yung mga [ebidensiya na] dinala namin mukhang hindi naging importante sa pagtingin ng hukuman,” sinabi niya.

Sinabi pa ni Padaca na sa lahat ng transaksyon, lagi siya sumasangguni sa Sangguniang Panlalawigan.

“‘Yun po ang naging papel ko, na humingi ng authority sa Sangguniang Panlalawigan, they gave it to me, they ratified the MOA, I released the check, the check was managed by the NGO,” sinabi niya.

 

171

Related posts

Leave a Comment