(NI CHRISTIAN DALE)
OKEY lang kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nangyaring kudeta laban kina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Joseph Estrada subalit sa maling kamay lamang isinalin ang kapangyarihan.
Napatalsik sa puwesto si dating Marcos noong EDSA People Power Revolution.
Iyon nga lamang ay sa tulisan o magnanakaw din naibigay umano ang pamumuno sa bansa.
Ani Pangulong Duterte, dapat aniya kung mag-kudeta ulit ay huwag ibibigay ang kapangyarihan sa politiko, bagkus maghanap ng 10 matatalino at matinong nagtatrabaho sa hanay ng militar, pulis o mga executives.
Sa kabilang dako, todo-paliwanag naman si Pangulong Duterte hinggil sa pagpayag niyang mailibing si dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ang katuwiran ng mga kritiko na malinaw sa batas na ang mga maaaring ilibing sa Libingan ng mga Bayani ay mga sundalo at naging presidente ng bansa kaya walang kwestiyon sa kanyang naging desisyon na pinagtibay ng Korte Suprema.
194