DILG PAKIKILUSIN VS NINJA COPS

DILG-OFFICE-2

(NI NOEL ABUEL)

PAKIKILUSIN ng administrasyong Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) para mahubaran ng mukha ang mga ninja cops na tinukoy sa pagdinig ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na drug recycling.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go kung saan posibleng pakilusin ni Pangulong Rodrigo Duterte para alamin ang pinakamalalim na usapin sa usapin ng mga ninja cops.

“At the conclusion of this hearing, the President might ask the DILG to investigate and get to the bottom of this,” ani Go, sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

“The truth must come out,” sabi pa nito.

Sinabi pa ni Go, na sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Philippine National Police (PNP) ay tiwala pa rin umano ito sa liderato nito para mabago ang imahe ng Pambansang Pulisya.

“In fairness to the PNP, patuloy ang kanilang cleansing, internal cleansing program ng PNP. Nangyari po ito sa nakaraang termino, hindi pa sa termino ni Pangulong Duterte. At, ako naman, nakita ko naman, napakaseryoso ni Pangulong Duterte sa kanyang ginagawa,” dagdag pa ni Go.

Idinagdag pa ng senador na malaki ang tulong ng PNP sa pagsugpo sa illegal drugs at sa korapsyon dahilan upang pagkalooban ang mga pulis ng mas mataas na sahod.

“Malaki ang tiwala ng ating Pangulo sa kapulisan, hindi magiging successful ang laban kontra sa iligal na droga at kriminalidad kung hindi sa tulong ng ating mga kapulisan. Nagpapasalamat kami diyan sa inyo. Kaya nga po nu’ng umupo siya, ipinangako niya na idodoble ang sweldo ng pulis,” sabi ni Go.

Tikom naman si Go kung nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay PNP chief Police Director Oscar Albayalde matapos maungkat ang pangalan nito hinggil sa nangyaring pakikialam umano nito sa implementasyon ng dismissal from the service ng 13 pulis na pinangalanang sangkot sa drug recycling.

 

 

159

Related posts

Leave a Comment