NILINAW ng Malacanang na hindi na kailangan ang kumpirmasyon ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno sa Commission on Appointments.
Ito ay bunsod ng unang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tiwala ang Palasyo na lulusot si Diokno sa CA dahil sa kanyang husay at integridad.
Ibinigay paliwanang ni Panelo na hindi saklaw si Diokno sa mga listahan ng mga opisyal na kailangan pang dumaan sa pagsang-ayon ng CA.
Si Diokno ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong governor ng BSP kapalit ng yumaong si dating governor Nestor Espenilla.
140