DIRINGGIN na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang petisyon para idiskwalipika ang Smartmatic sa procurement ng mga vote counting machine sa 2025 elections.
Inihain ang petition for disqualification laban sa Smartmatic ng grupo nina dating Comelec Commissioner Augusto Lagman.
Ayon sa petitioner, hindi na dapat payagan makilahok sa bidding ang Smartmatic dahil sa pagdududa sa integridad nito sa mga nagdaang halalan.
Inihain ang petisyon noong Hunyo 15, taong ito.
Bilang bahagi ng due process ay hihingan ng Comelec en banc ng komento ang Smartmatic para isumite sa Clerk of the Commission bago ang pagdinig na itinakda sa susunod na linggo.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nais nilang dinggin ang naturang petisyon upang agad makapagpalabas ng desisyon bago ang bidding ng mga bagong makina sa susunod na taon.
(RENE CRISOSTOMO)
242