DIVORCE IREGALO SA MGA OBRERO NA HINDI HAPPILY MARRIED

NAIS ng isang dating lider ng Kamara na ipasa ang divorce bill ngayong Labor Day bilang regalo sa mga manggagawa at iba pa na hindi matagumpay at masaya ang kanilang pag-aasawa.

Ayon kay dating House Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez, hindi lamang karapatan sa paggawa ng mga manggagawa ang dapat kilalanin kundi maging ang karapatan ng mga ito na makalaya sa aniya’y “unhappy, abusive, and toxic marriages”.

“Divorce is a reality for many Filipino families, and it is time for us to acknowledge that reality and create a legal framework that reflects it,” pahayag ng mambabatas na hiwalay sa kanyang dating misis.

“On this Labor Day, we must remember that the well-being of Filipino workers extends beyond the workplace. We must ensure that our laws protect their rights in every aspect of their lives, including their personal relationships,” dagdag pa nito.

Sinabi ng mambabatas na malaking epekto sa kanilang trabaho ang mga manggagawa na problemado sa relasyon subalit hindi makalaya dahil walang divorce sa Pilipinas.

Base aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), halos kalahati sa labor forces sa bansa ay may asawa.

“For those who are trapped in unhappy, abusive, and toxic marriages, the stress and emotional turmoil of their situation can have a profound impact on their ability to perform at work,” paliwanag ni Alvarez.

Sa karanasan umano ng marami, ang mga manggagawa na hindi makalaya sa ‘unhappy marriages” ay nakakaranas ng health problem tulad ng depression at anxiety na labis na nakakaapekto sa kanilang trabaho.

Bukod dito, hindi aniya makapag-concentrate ang mga manggagawang nakatali sa abusive relationship dahil sa nararanasang physical injuries at emotional trauma kaya dapat matulungan ang mga ito sa pamamagitan ng divorce.

“We cannot continue to deny our fellow Filipinos the right to a second chance at happiness, meaning, and fulfillment. As we celebrate Labor Day and honor the contributions of our hard working citizens, let us also commit to creating a more just and compassionate society that values the well-being of all our people,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

109

Related posts

Leave a Comment